Aprubado na ang 26 na mga permits ng Globe para sa pagtatayo ng mga cell cites ng kumpanya sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Sa inilabas na pahayag ng Globe, sinabi nito na kanilang ipinagpapasalamat ang agarang pag-apruba sa kanilang mga permits, at makasisiguro anila ang publiko na tumatangkilik sa Globe na mas paiigtingin pa nito ang serbisyo sa gitna ng pandemya.
Dati kasi, kinakailangan munang magpasa ng sanggunian bayan resolution para magbigyan ang isang telco ng permit sa pagtatayo ng kanilang cell site.
Sa ngayon ay nasa 25 mga lokal na pamahalaan na ang nagtanggal ng sanggunian bayan resolution bilang bahagi sa mga requirements para makapagpagawa ng cell site ang anumang telco sa kani-kanilang mga lugar.