26 sa 142 environmental samples ang nagpositibo sa type 1 at type 2 polio virus.
Ito ang kinumpirma ng Research Institute for Tropical Medicine at Japan National Institute of Infectious Disease matapos ang kanilang ginawang laboratory tests.
Nakolekta ang mga naturang samples mula Hulyo hanggang Nobyembre ngayong taon sa mga estero, sewage treatment plants, ilog at iba pa.
25 sa mga nagpositibo ay nakuha sa Metro Manila samantalang isa naman ay mula sa Davao City.
Ayon sa Department of Health, patunay lamang ito na patuloy ang pagkalat ng virus at mahalaga na mapabakunahan ang mga batang may edad lima pababa.
Magugunitang una nang kinumpirma ng ahensya na mayroon nang walong kaso ng polio sa bansa. — ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)