Mahigpit pa ring binabantayan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 26 na local chief executive na nanalo noong midterm elections at kasama sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay DILG sec. Eduardo Año, nahaharap na sa kasong administratibo ang naturang 26 na local official sa 47 opisyal na inilantad noon ng pangulo ang mga pangalan.
Bukod dito, tinanggalan na rin ang mga ito ng kapangyarihan sa kapulisan.