Dalawampu’t anim (26) na mga mambabatas mula sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pumirma sa isang resolusyong sumusuporta kay Ombudsman Conchito Carpio – Morales.
Ito ay sa harap ng naka-ambang impeachment complaint laban sa opisyal.
Binigyang-diin sa nasabing resolusyon na ang tanggapan ng Ombudsman ay itinatag batay sa saligang batas bilang isang independent body na may layuning proteksyunan ang mga mamamayan laban sa mga tiwali at mga abusadong opisyal ng pamahalaan.
Dalawampu’t anim (26) sa mga pumirmang mambabatas ay mga miyembro ng Liberal Party o LP, tulad nila Dinagat Island Representative Kaka Bag-Ao, Caloocan City Representative Edgar Erice, Albay Representative Edcel Lagman, Marikina City Representative Miro Quimbo, Batangas Representative Vilma Santos – Recto at iba pa habang ang lima ay mula sa iba’t ibang partido.