Patay ang 26 na Maoist rebels makaraang makagupa ng Indian government forces.
Ayon sa pulisya, 3 commandos naman ang malubhang nasugatan sa bakbakan na naganap sa kagubatang bahagi ng Silangang Mumbai.
Nabatid na nakatanggap ng sumbong ang pwersa ng militar ukol sa presensya ng armadong grupo na agad nitong nirespondehan kaya’t sumiklab ang engkwentro.
Kasalukuyang tinutugis ang mga nakatakas na rebelde.