Nasa 26 na mga paliparan na sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang pinayagan nang maibalik ang kanilang commercial operations.
Ito ang inihayag ng Department of Transportation (DOTr), matapos makakuha ng mga ito ng clearance mula sa Local Government Units (LGU) na nakasasakop sa mga ito.
Kabilang sa mga pinagayan na ang pagbabalik ng commercial flights ay ang mag airport ng Romblon, Naga, Cauayan, Palanan, Laguindingan, Dipolog, Pagadian, Borongan, Antique, Masbate, Tacloban, Legazpi, Ormoc.
Gayundin ang mga paliparan ng Catbalogan, San Jose, Catarman, Ozamis, Manila International Aiport, Clark at Mactan-Cebu International Airport.
Habang nakatakda namang magbukas ang mga paliparan ng Basco, Virac, San Vicente, Busuanga sa Hulyo, Surigao sa Agosto at Siargao Airport sa Setyembre.
Samantala, sinabi ng DOTr na ilang mga paliparan at airlines ang humingi pa rin ng mga dokumento tulad ng medical certificate habang piling pasahero lamang din ang pinapayagang makasakay ng eroplano.