Patay ang 26 na Taliban fighters sa nagpapatuloy na crackdown ng security forces laban sa nasabing grupo sa Afghanistan.
Ayon kay Governor Mohammad Azim ng Sipira District, sa kanyang nasasakupan ay 8 armadong rebelde ang napatay ng mga sundalo.
Sinasabing suportado ng helicopter gunships ang mga operasyon sa lugar.
Una rito, inihayag ng Afghan Interior Ministry na dumarami na ang taliban militants na napaslang ng tropa ng gobyerno sa iba’t ibang panig ng bansa.
By Jelbert Perdez