Nagkaisa ang 26 na miyembro ng House of Representatives na suportahan at igiit ang constitutional independence ng Office of the Ombudsman.
Ito sa harap ng inaasahang pagsasampa ng kasong impeachment ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption o VACC laban kay Ombudsman Conchita Carpio – Morales.
Tinukoy sa inihaing resolusyon na ang Office of the Ombudsman ay isang independent body na itinalaga ng konstitusyon para magbigay ng proteksyon sa mga mamamayan laban sa pag-abuso at korupsyon sa gobyerno.
Karamihan sa mga lumagdang mambabatas ay mula sa Liberal Party kabilang sina Marikina Representative Miro Quimbo, Caloocan Representative Edgar Erice, Quezon City Representative Jorge Banal, Albay Representative Edcel Lagman at iba pa.
—-