Narekober ng mga awtoridad ang mahigit 20 mga pampasabog sa isang eskuwelahan sa Barangay Catabayungan sa bayan ng Cabagan sa Isabela, kahapon.
Ayon kay Senior Inspector Frances Littaua, natagpuan ang 18 piraso ng hand grenade at walong piraso ng rocket propelled grenade habang naghuhukay ang mga trabahador sa lote ng kasalukuyang ginagawang gusali sa Delfin Albano High School.
Posible anyang ginamit ang mga natagpuang pampasabog noong world war II dahil kinakalawang na ang mga ito.
Dagdag pa ni Littaua, malaking bagay ang pagkakadiskubre ng mga ito para maiwasan ang anumang sakunang maaaring idulot sakaling aktibo pa ang mga granada.
Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng explosives ordinance division ng fifth infantry division Philippine Army ang mga nahukay na pampabasabog.