Nadagdagan pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay makaraang makapagtala pa ng 26 panibagong kaso ng virus sa PNP, dahilan para sumampa na sa 1,089 ang kabuuang bilang nito.
Sumampa naman sa 500 ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 makaraang maka-recover ang 30 pang pasyente, habang nananatili naman ang death toll ng virus.
Sa pinakahuling tala nito lamang ika-12 ng Hulyo, nasa 1,422 ang bilang ng mga “suspected” COVID-19 cases, habang 670 naman ang “probable” cases sa PNP.
Patuloy naman ang paalala ng Pambansang Pulisya sa kanilang mga tauhan na kaagad na makipag-ugnayan sa kanilang health service sakaling makaramdam ng anumang sintomas ng COVID-19.