Patay ang 26 habang sugatan naman ang apat pa na indibidwal sa magkasunod na lindol sa Western Afghanistan.
Umabot sa 800 mga bahay ang nayupi kung saan, unang naganap ang magnitude 5.3 na lindol at sinundan ng magnitude 4.9 na lindol.
Nagkasa na ng operasyon ang mga otoridad upang alamin ang kabuuang bilang ng mga apektadong residente sa Badghis, Ghor, at Herat sa nabanggit na bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero