26 na katao ang nasawi, kabilang ang 24 na babae, matapos mabagsakan ng kable ng kuryente sa isang palengke sa Democratic Republic of Congo.
Ayon sa mga otoridad, nangyari ang trahedya matapos ang matinding pag-ulan sa lugar. Posible umanong tinamaan ng malakas na kidlat ang poste na naging sanhi ng pagkakaputol ng kable.
Inatasan naman ni Democratic Republic of Congo President Felix Tshisekedi ang mga opisyal na magkaloob ng tulong sa mga pamilya ng biktima.