Nasawi ang 26 na katao matapos mabangga ang isang overcrowded na speedboat sa isang sasakyang may dala-dalang bungahin.
Batay sa panayam ng Reuters kay Senior Police Official Miraj Hossain ng Central Madaripur District, kalauna’y lumubog din ang naturang speedboat at ilan sa mga pasaherong sakay nito ay patuloy pang pinaghahanap.
Samantala, ayon naman sa panayam ng Agence France Presse kay Police Official Amir Hossain, kabilang sa mga nasawi ay isang babae at lima naman ang sugatan at tatlo rito ay mga bata.
Matatandaang, daan-daang katao ang namamatay kada taon sa Bangladesh dulot ng mga aksidente sa karagatan.