Sumampa na sa dalawampu’t anim (26) ang nasawi sa suicide bombing sa Mogadishu, Somalia.
Naganap ang pag-atake sa tapat ng isang hotel kung saan ibinangga ng isang lalaking armado ng suicide vest ang kotse nito sa gate.
Limampu’t dalawa (52) katao naman ang sugatan sa pag-atakeng isinagawa ng teroristang grupo na Al-Shabab.
By Drew Nacino
Photo Credit: Reuters