Nagbalik-loob sa pamahalaan ang 26 na miyembro ng New People’s Army o NPA sa lalawigan ng Samar.
Ayon kay Army Maj. Gen. Jet Velarmino, hepe ng 8th Infantry Division, ang mga rebel returnees ay masasaklaw ng comprehensive local social integration program o CLIP.
Sa ilalim ng programa, pagkakalooban ng tulong pinansiyal at pangkabuhayan ang mga dating rebelde.
Giit ni Arturo Pajanustan o alias Ka Pugoy na dating miyembro ng front guerilla unit ng NPA, napagtanto nila na wala silang kinabukasan sa pamumundok at pakikidigma sa gobyerno.
Matatandaang idineklara na ng militar na insurgency-free ang karamihan sa mga bayan sa silangang Samar.
By Jelbert Perdez