Nag-donate ng kanilang blood plasma ang 26 na Pulis Pampanga na gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19.
Ayon sa Magalang Police Chief Police Col. Frederick Obar, kabilang ang mga naturang pulis ay nasa ilalim ng on the job training ng regional special training unit.
Ang mga ito ay una nang ini–assign sa Clark Freeport at sa checkpoints sa Angeles at Mabalacat.
Tinanggap naman ang plasma ng Philippine Red Cross, Philippine General Hospital, Philippine Society of Gastroenterology at Jose B. Lingad Memorial General Hospital para sa research.