Aabot na ng 26 school days, ang nawala sa mga mag-aaral dahil sa mga suspesnyon bunsod ng iba’t ibang kalamidad.
Batay sa datos ng Department of Education, halos lahat ng rehiyon sa bansa ay may naitalang suspensiyon ng klase o “school days lost” mula Agosto hanggang Oktubre.
Kabilang sa mga kalamidad na nag-resulta sa suspensyon ng kalse ay ang masamang panahon dahil sa habagat at smog ng taal volcano noong Agosto; enhanced southwest monsoon; tropical cyclones Ferdie at Gener; tropical depression Enteng; tropical storm Helen; transport strike noong Setyembre; tropical depression Julian; severe tropical storm Kristine at typhoon Leon noong Oktubre.
Lumabas din sa datos na pinakanaapektuhan ng mga nagdaang kalamidad ang rehiyon ng Calabarzon kung saan 26 na beses nagsuspinde ng klase habang sinundan naman ito ng mga paaralan sa Cagayan Valley at Central Luzon na kapwa may 24 na araw ng suspensyon.
Kaugnay nito, iginiit ni Education Secretary Sonny Angara na kinakailangan na ng nasabing sektor na gumawa ng mas flexible at calamity-resilient mode of learning para sa mga mag-aaral. – sa panulat ni Kat Gonzales