Patay ang 26 na sibilyan sa isinakatuparang airstrike ng US led coalition sa hilagang silangang bahagi ng Syria.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, karamihan sa mga nasawing sibilyan ay mga kabataan kasama ang 3 sundalo.
Kasalukuyang iniimbestigahan na ng Estados Unidos ang insidente ng pagkakadamay ng mga sibilyan sa inilusad na pag-atake kontra terorismo.
Matatandaang napuruhan sa naturang airstrike ay ang isang lugar sa probinsya ng Hasakah.
By Ralph Obina