Isinailalim na sa 14-day mandatory quarantine ang 26 na South Korean nationals na dumating sa Cebu mula sa Daegu City –isang araw bago ipatupad ang travel ban sa nasabing lungsod sa South Korea.
Ayon kay Health assistant secretary Maria Rosario Vergeire, ang mga nasabing South Koreans ay naka-quarantine sa hotel kung saan sila nanunuluyan.
Sinabi ni Vergeire na pinakilos na ng Office of the Court Administrator (OCA) Government Cebu ang hotel owners para panatilihin ang mga dayuhan sa hotel sa loob ng quarantine period.