Aabot sa 260 migrants ang nasaktan matapos i-teargas ng mga awtoridad sa Greek-Macedonia border.
Ayon sa ulat, kinailangan ng atensyong medikal ng naturang migrante dahil sa nahirapan sa paghinga ang mga ito matapos i-tear gas.
Maliban dito, 30 ang naitalang sugatan dulot ng plastic bullets.
Depensa naman ng mga awtoridad, namato ang naturang mga migrante at pilit ding sinisira ang harang sa border upang pilit na makapasok sa Greece.
Matatandaang nasa 11,000 refugees ang istranded ngayon sa Greek-Macedonia border na karamihan ay mula sa Syria at Iraq.
By Ralph Obina
Photo Credit: Bulent Kilic/AFP/Getty