Inirekomenda ng Commission on Elections (COMELEC) na ideklarang nuisance ang 266 na naghain ng kanilang certificate of candidacy para sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo at senador.
Sa nasabing bilang, 125 sa mga ipinadedeklarang nuisaice ng COMELEC Law Department ay mga naghain ng COC sa pagka-Pangulo, 13 sa pagka-pangalawang pangulo at 128 ang sa pagka-senador.
Sakaling aprubahan ng COMELEC ang rekomendasyon ng law department, 5 lamang ang matitirang presidentiable, 6 lamang sa vice presidential race at 44 lamang sa pagka senador.
Una nang inaprubahan ng COMELEC ang accreditation para sa 100 partylist groups mula sa mahigit 200 naghain ng kanilang application.
By Len Aguirre