Binigyan na ng go signal ng CHED o Commission on Higher Education ang pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin ng halos tatlong daang (300) Higher Education Institutions.
Ayon sa CHED, ang dalawandaan at anim napu’t walong (268) HEIs na magtataas ng matrikula ngayong school year ay labing anim (16) na porsyento lamang ng mahigit isanlibo at anim na raang (1,600) private HEIs sa buong bansa.
Ipinabatid ng CHED na ang pinayagan nilang dagdag sa mismong tuition fee ay halos pitong (7) porsyento o katumbas ng P86.68 kada unit at P243 pesos namang dagdag sa ibang bayarin o other school fees.
Sinabi ng CHED na inaprubahan nila ang application ng HEIs para sa dagdag na matrikula base na rin sa education act of 1982 na nagbibigay ng laya sa private schools na i-determina ang tuition rate nito at iba pang bayarin.
By Judith Larino
268 na mga kolehiyo pinayagang magtaas ng matrikula was last modified: May 30th, 2017 by DWIZ 882