27 katao ang inaresto dahil sa hinihinalang smuggling ng cocaine sa Denmark.
Nahuli ng Copenhagen Police ang 100 kilo ng cocaine sakay ng isang container ship sa Duncan Island habang naglalayag ito.
Nanatili namang hawak ng mga otoridad ang ilan pang tripulante ng naturang barko na kinabibilangan ng Russian, Latvian, Ecuadorian at Filipino.
Habang ang mga nahuling suspek ay kinasuhan na ng serious drug crimes sa ilalim ng Danish Law kaya nahaharap ang mga ito sa 16 na taong pagkakakulong.