Dalawmapu’t pitong (27) bakwit o evacuees na ang namatay simula nang sumiklab ang bakbakan sa Marawi City.
Ayon sa Department of Health o DOH, kabilang sa nasawi ang isang bagong silang na sanggol dahil sa mahinang pangangatawan nito.
Hindi na nakapagpatingin sa doktor ang ina ng biktima na posibleng na-stress habang nasa evacuation center.
Ipinaliwanag ni Marawi City Health Officer, Dr. Ali Daligdig, sardinas at noodles na lamang ang kinakain sa mga evacuation center kaya’t asahan na ang paghina ng immune system ng isang tao.
Samantala, karamihan naman sa mga sakit na dumadapo sa mga evacuee ay skin disease, lung disease, hypertension at water borne disease gaya ng diarrhea at amoebiasis.
By Drew Nacino
27 ‘bakwit’ na ang namatay sa Marawi crisis—DOH was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882