Tinatayang aabot sa 27 ang nasawi sa panibagong kaso ng mass shooting sa isang simbahan sa Amerika.
Ayon sa report, isang armadong lalaki ang pumasok sa First Baptist Church sa Sutherland Springs sa Texas kung saan, bigla na lamang itong nagpaulan ng bala sa kalagitnaan ng church service dakong ala-1:30 kaninang madaling araw, oras sa Pilipinas.
Maliban sa mga nasawi, tinatayang aabot naman sa mahigit 20 ang naitalang sugatan dahil sa pangyayari.
Napa-ulat ding patay ang hindi pa pinapangalanang suspek bagama’t hindi rin malinaw sa ngayon kung ito’y napatay ng mga rumespondeng pulis o di kaya’y nagbaril sa sarili.
—-