Aabot sa 27 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang malapit nang masira sa Pilipinas.
Resulta ito ng hindi pa rin pagtanggap ng booster shot ng mayorya ng mga Pilipinong nakatanggap na ng initial doses ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, posibleng masira ang mga bakuna sa Hulyo kung mabibigo ang pamahalaang ipamahagi ito.
Patuloy naman paggawa ng paraan ng gobyerno upang hindi ito masira sa pamamagitan ng pagbigay sa ibang bansa.
Payo ng gobyerno sa publiko na magpaturok na ng booster shot na dagdag proteksyon din laban sa COVID-19. —sa panulat ni Abby Malanday