27 mountaineer ang stranded sa Mount Pinatubo, Zambales.
Ayon kay Nigel Lontoc, Assistant Director ng Office of Civil Defense-Central Luzon, nasa Pinatubo ang mga mountaineer simula pa noong Sabado at kanina lamang umaga humingi ng tulong sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Nahiwalay anya ang ibang grupo at naubusan ng battery sa cellphone at handheld radio kaya’t hindi na-contact habang nauubusan na rin sila ng supply.
Dakong 10:30 kaninang umaga nang lumipad mula sa basa air base ang isang chopper upang iligtas ang mga mountaineer.
Samantala, napag-alaman na ang mga mountaineer na nakarating sa viewdeck ng Pinatubo mula Porac, Pampanga ay walang permit mula sa local tourism office ng Tarlac o Pampanga.
By: Drew Nacino