Dalawamput pitong (27) mga bangkay pa ng mga hinihinalang miyembro ng Maute-ISIS group ang narekober sa patuloy na clearing operations ng militar sa Marawi City.
Ayon kay Capt. Ramcel Dugan ng First Scout Ranger Battalion, nakuha ang mga nasabing bangkay sa dulo ng main battle area kung saan posibleng huling nagkampo ang mga Maute-ISIS members.
Dagdag ni Dugan, kabilang din sa mga na-retrieve na mga bangkay ay mga foreign fighters.
Bukod sa mga katawan ng mga hinihinalang terorista nakuha rin sa area ay mga camera lens at tinatayang P800,000 na cash.
Nagpapatuloy naman ang clearing operations ng militar at paghabol sa mga nalalabing Maute stragglers na nagtatago pa sa loob ng main battle area sa siyudad.
—-