Dalawampu’t pito (27) pang Pilipino sa ibang bansa ang kumpirmadong nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dahil dito, ipinabatid ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umakyat na sa 8,351 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Pilipino mula sa 56 na bansa at rehiyon.
Today, the DFA reports 27 new confirmed COVID-19 cases in Asia and the Pacific and the Middle East, 15 new recoveries, and 4 new deaths from said regions as well. No new reports were received from Europe and the Americas. Furthermore, (1/3) pic.twitter.com/QymzdM265x
— DFA Philippines (@DFAPHL) June 24, 2020
Sa nasabing bilang, 2,767 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nasa 15 naman ang gumaling kaya’t pumapalo na sa 5,072 overseas Pinoys ang nakarecover mula sa nasabing sakit.
Samantala, apat naman ang nasawi kaya’t nasa 512 na ang bilang ng mga Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na overseas Pinoys sa bahagi ng Middle East/Africa na mayroong 6,114 case; sumunod ang Europa na mayroong 961 cases; Americas na mayroong 685 na kaso at Asia Pacific Region na nakapagtala naman ng 591 kaso.
Muling tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng foreign service posts ay patuloy na tututukan ang kondisyon ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang saklolohan ang mga Pilipinong apektado ng COVID-19 pandemic.