Nananatili sa death row sa Malaysia ang may 27 Pilipino.
Ayon kay Philippine Ambassador to Malaysia Jose Eduardo Malaya, pawang drug trafficking ang kaso ng mga Pinoy na nakapila sa death row sa Malaysia.
Pito hanggang walong Pinoy pa anya na dating nasa death row ang na-commute na ang sentensya.
Sinabi ni Malaya na malabo pang maisakatuparan ang pagbitay sa mga Pinoy na nasa death row dahil 2013 pa nagpatupad ng moratorium sa death penalty ang Malaysia.
By Len Aguirre