Patay ng malunod ang 27 mga migrants, 11 ay mga bata matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa Aegean Sea sa Turkey malapit sa Northwestern Balikesir na patungo sana ng Greek Island.
Apat (4) na mga migrants ang nailigtas habang patuloy pa rin ang search and rescue operation sa sa 9 pang mga pasahero.
Samantala, isang migrant ang nailigtas ng isang mangingisda habang tatlo pa ang nailigtas ng coast guard na nagpadala na rin ng mga rescue boats at helicopters para sa paghahanap sa ibang mga pasahero.
By Mariboy Ysibido
*Photo Credit: bbc/AP