Muling nakapagtala ng 27 mga volcanic earthquake ang Mt. Bulusan sa Sorsogon.
Sa inilabas na kalatas ng PHIVOLCS kaninang umaga, ang naturang aktibidad ay pawang mga low frequency lamang dahil sa tinatawag na magmatic gas activity na nagaganap sa bulkan.
Bukod pa rito, naitala rin ang mahihinang steam laden plumes sa babang bahagi ng bulkan.
Kasunod nito, sa ilalim ng alert level 1, patuloy pa rin ang pagbabawal ng mga awtoridad sa pagpasok sa loob ng four kilometer radius permanent danger zone ng bulkan.
Samantala, naglabas din ng abiso ang civil aviation authorities na pinapayuhan ang mga piloto na iwasan ang pagpapalipad ng mga eroplano malapit sa summit ng bulkan, para maiwasan biglaang phreatic eruption dito.