Muling tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mananatiling prayoridad ng pamahalaan ang irigasyon.
Ang pahayag ay ginawa ng pangulo sa harap ng target ng administrasyon na mapalakas ang food security ng bansa.
Ayon kay PBBM, target ng gobyerno na makapagpatayo pa ng 275,000 ektarya na mga bagong irrigation areas sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Aniya, nasa 25,000 ektaryang irigasyon ang nalikha na habang nakapag-restore naman ang pamahalaan ng may 9,000 ektaryang irrigable land. - sa panulat ni Jeraline Doinog mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)