Pinalaya na ang 279 na babaeng estudyante na sinasabing dinakip ng rebeldeng grupo ng Boko Haram sa mismong boarding school ng mga ito sa Hilagang Kanlurang Nigeria nitong nakaraang linggo.
Ayon kay Zamfara Governor Bello Matawalle, nakalaya na ang lahat ng nakidnap na batang babae at nilinaw na hindi 317 ang lahat ng batang nadakip kundi 279 lamang dahil ilan sa mga ito ay nakatakbo nang tangkang dadakipin ng armadong grupo.
Paglilinaw naman ng special media adviser ni Matawalle na walang ransom na naganap upang pakawalan ng Boko Haram ang mga bata.
Giit naman ni Indonesian President Muhammadu Buhari na walang bayarang naganap kapalit ng kalayaan ng mga bata dahil ito ay mag-uudyok lamang upang maulit ang naganap na insidente kaya’t mahigpit niya itong tinututulan.
Panawagan ni Buhari sa militar at mga pulis na dapat na managot sa batas ang mga kidnapper sa likod ng pangyayaring ito.
Sinasabing ito na ang ikalawang malawakang pag-kidnap sa mga estudyante ng Government Girls Science Secondary School sa Nigeria.— sa panulat ni Agustina Nolasco.
Alhamdulillah! It gladdens my heart to announce the release of the abducted students of GGSS Jangebe from captivity. This follows the scaling of several hurdles laid against our efforts. I enjoin all well-meaning Nigerians to rejoice with us as our daughters are now safe. pic.twitter.com/YKfHoUuiXP
— Dr. Bello Matawalle (@Bellomatawalle1) March 2, 2021