Umarangkada na ang nasa 28 bagon ng MRT-3 na malaking tulong sa mga pasaherong bumibiyahe papasok sa kanilang mga trabaho.
Ito’y matapos makapasa sa speed tests ang mga train set para masigurong ligtas ang mga pasahero sa tulong narin ng Sumitomo-Mhi-Tesp.
Dahil dito, tuloy-tuloy ang pagpapasakay ng mga tren kung saan, pinayagan ang nasa 30% ng mga pasahero na may katumbas na 124 kada train car o 372 na pasahero kada train set.
Sa kabila nito, mahigpit paring ipinatutupad ng DOTR ang “7 commandments” kabilang na ang:
- Pagsuot ng face mask at face shield;
- Iwasan ang pagsasalita, pakikipag-usap o pagsagot ng telepono;
- Iwasan ang pagkain;
- Maayos na bentilasyon;
- Kailangan din na may frequent disinfection;
- Hindi din pinapayagang sumakay ang mga symptomatic passenger; at
- Sundin ang physical distancing para maiwasan ang hawahan ng COVID-19 sa loob ng tren. —sa panulat ni Angelica Doctolero