Agad namahagi ng ayuda ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa mga pamilyang apektado ng pagpapatupad muli ng Enhanced Communnity Quarantine o ECQ sa NCR plus Bubble
Magkatuwang ang Barangay Affairs Office at Mayor’s Action Team ng Lungsod, nagbahay-bahay sila sa mga residente ng 28 Barangay na nasasakupan nito
Ang ipinamahaging foodpacks ay tatagal ng 3 hanggang 4 na araw na kayang makapagpakain sa pamilyang mayruong 5 miyembro
Ayon kay Tgauig City Mayor Lino Cayetano, kahit na bukas ang mga palengke, grocery at tuloy ang dine-in / take out services ay siniguro ng lokal na pamahalaan na pwedeng hindi na lumabas ang mga residente ng Taguig para bumili ng kanilang pangangailangan at hindi na rin ma expose sa COVID-19
“This week we need to stay safe. Dito po muna tayo sa piling ng mga mahal natin sa buhay, sa ating mga household, sa mga pamilya natin,” pahayag ni Cayetano.
“Sa aking mga kababayan, dito sa lungsod ng Taguig, we will take care of each other. Bayanihan po tayo. Ang lungsod natin ay kilala sa pagkalinga at pag-aaruga ng isa’t isa.” Dagdag pa ng alkalde.
Ang food packs ay kinabibilangan ng bigas; canned goods, energy drinks; hygiene/anti-COVID kit with face masks, face shields, alcohol at sabon upang masiguro na mapoprotektahan sa nakamamatay na sakit ang bawat pamilya.
“Itong one week na ito ay makakatulong sa atin para lalong mapababa ang ating mga kaso sa lungsod.The City of Taguig remains to have one of the lowest number of active cases in Metro Manila. At naniniwala ako, pag tayo’y nagtulungan, kaya rin natin babaan pa lalo,” pahayag pa ni Cayetano.