Nasa 28 bata ang umano’y pinatay sa ilalim ng counter-insurgency program ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ito ang iginiit ng grupong Karapatan, isang human rights group kaugnay ng gugunitaing international human rights day sa ika-10 ng disyembre.
Sa isinagawang documentation ng karapatan, isa sa mga naging biktima ng counter-insurgency program ay si Sunshine Jabinez, 7 taong gulang na natamaan ng stray bullet ng mga sundalo sa pantukan, Compostella Valley noong 2011.
Pero una nang iginiit ng mga sundalo na hinahanap lamang nila roon ang mga miyembro ng New People’s Army.
By: Allan Francisco