Aabot sa 28 election related incidents ang naitala ng Philippine National Police (PNP) ilang linggo bago ang papalapit na halalan sa Mayo a-nueve.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, naitala ang nasabing election related incidents hanggang noong Abril a disi-otso kung saan, 21 ang nahuling lumabag namay kaugnayan sa halalan.
Habang ang iba naman ay may kaugnayan sa karahasan sa pagitan ng dalawang magkatunggaling political families sa Lanao del Sur kung saan, 8 ang naitalang sugatan.
Ayon kay Fajardo, nagdeploy na ng dagdag na puwersa ang PNP at AFP upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa nabanggit na lugar. —sa panulat ni Angelica Doctolero