Muli na namang iinit ang tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.
Ito’y matapos mamataan ang 28 eroplanong pandigma ng China na pumasok sa air defense identification zone ng Taiwan.
Ayon sa Taiwan Foreign Ministry, kabilang sa mga eroplano ng china na pinapasok sa air defense zone ng taiwan ay ang J-16 at J11 fighter jets gayundin ng submarine patrol aircraft.
Ang panibagong aktibidad ng China ay bilang tugon sa panawagan ng G7 leaders para sa kapayapaan at katatagan sa Taiwan strait.
Matagal nang masalimuot ang relasyon sa pagitan ng China at Taiwan dahil sa pinaiiral na one China policy.