Arestado ang 28 indibidwal matapos makapagtala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng mahigit 200 vote buying incidents mula Enero 1 hanggang Mayo 9.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nasa 245 reported vote buuying incident ang naitala at nasa 41 ang suspek.
Aniya, patuloy na naghahanap ng mga ebidensiya sa iba pang mga vote buying incident kung saan 13 pa ang kasalukuyang hinahanap.
Sa nasabing bilang, 25 ang naberipika na, dalawa ang iniimbestigahan pa, habang apat naman ang ini-refer sa prosecution office at isang kaso ang inihain sa korte.