Arestado ang 28 indibiduwal kabilang ang tatlong (3) menor de edad dahil sa umano’y insidente ng pagbili ng boto at iligal na pangangampanya sa Moises Padilla, Negros Occidental.
Batay sa ulat ng pulisya, 12 ang naaresto sa barangay 7 na kinabibilangan ng dalawang (2) menor de edad kung saan narekober sa mga ito ang ilang sample ballots na may naka-ipit ng tig-P500.
Habang naharang naman ng pulisya ang isang jeep na may lulan na 11 indibiduwal kabilang ang isang menor edad sa bahagi ng Pulupandan, Bacolod.
Nakuha sa mga ito ang nasa 600 mga sample ballots.
Ayon kay Task Force Molai Head, Police Lt. Col. Adrian Accolador, nakatanggap sila ng impormasyon na sangkot sa vote buying ang mga naaresto.
Magugunitang isa ang bayan ng Moises Padilla sa tatlong lugar na isinailim ng COMELEC sa kanilang kontrol dahil sa mga napaulat na insidente ng eletion related violence.