Umakyat na sa 28 ang bilang ng mga nasawi sa karahasang nagaganap sa India matapos ma-convict ang isang kontrobersiyal na spiritual leader dahil sa panggagahasa sa dalawa niyang followers o tagasunod.
Ayon kay Loca Official Gauri Prashar Joshi, si Gurmeet Ram Rahim Singh ay napatunayang nagkasala sa kasong nangyari noon pang 1999 na naging sanhi upang magwala ang kanyang mga miyembro at sinugod pa ang mga awtoridad.
Maliban sa mga namatay, mahigit 100 indibidwal na rin ang isinugod sa ospital.
Sinasabing inatake ng mga supporter ni Singh ang ilang television van habang sinunog naman ang ilang kotse at ospital.
Bunga ng kaguluhan sa Haryana at Punjab, apektado na rin ang public transportation kung saan mahigit sa 600 tren na ang hindi nakakabiyahe.
Nanawagan naman sa publiko si Prime Minister Narenda Modi na manatiling kalmado dahil ginagawa na ng pamahalaan ang lahat upang maibalik ang kapayapaan sa mga apektadong lugar.