Dalawampu’t walo (28) katao na ang tinamaan ng isang misteryosong sakit sa Sinoe, Liberia.
Ayon kay Chief Medical Officer Francis Kateh, nakapagtala sila ng dagdag na pitong (7) kaso kaya’t umabot na ito sa nasabing bilang habang labing tatlo (13) naman ang nasawi.
Sinasabing hindi pa matukoy ng mga eksperto kung ebola o lassa fever ang naturang sakit.
Karamihan umano sa mga biktima ay nakaranas ng matinding pananakit ng tiyan bago namatay.
Matatandaang pumalo sa halos limang libo (5,000) katao ang nasawi sa Liberia noong 2014 dahil sa tumamang ebola outbreak sa mga bansa sa West Africa.
By Jelbert Perdez
28 katao tinamaan ng misteryosong sakit sa Liberia was last modified: May 6th, 2017 by DWIZ 882