Nasa 28-milyong Pilipino na ang nakapagpa-pre-register na sa Philippine Identification System (PhilSys).
Ito ay ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakumpleto nang 28-milyong Pilipino ang unang hakbang sa pagpaparehistro para sa national ID system.
Sinimulan lamang ng PSA ang pagproseso ng pre-registration ng PhilSys noong Oktubre ng nakaraang taon sa 32 lalawigan na may mababang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dagdag ng PSA, nasa 17-milyong Pilipino sa 81 probinsiya ang nagpa-pre-registered sa unang quarter ng 2021.
Target ng PSA na makapagparehistro ng 70-milyong Pilipino bago matapos ang taon. —sa panulat ni Rashid Locsin