Dalawampu’t walong (28) mga panukalang batas ang napagkasunduang bigyang prayoridad ng Senado at Kamara.
Ito sa ginanap na LEDAC o Legislative-Executive Development Advisory Council Meeting na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.
Kabilang dito ay ang agarang pagpapatibay sa panukalang national ID system, tax reform bill package, rightsizing ng national government, traffic crisis, federalism at iba pa.
Sinabi naman ni Senate Majority Leader Tito Sotto na kahit na may kanya-kanyang legislative agenda ang Senado at Kamara ngunit magiging prayoridad pa rin ang napagkasunduan sa LEDAC.
Hindi naman napag-usapan sa naturang meeting ang muling pagbuhay sa parusang kamatayan.
Housing and urban development
Plano ng gobyerno na magtatag ng isang ahensyang nakatutok sa housing at urban development.
Kabilang din ito sa mga tinalakay sa ginanap na LEDAC.
Sa pamamagitan ng itatatag na ahensiya ay mababantayan ang mga programang pabahay ng gobyerno para sa mga mahihirap na sektor.
Kabilang pa sa mga isyung natalakay sa LEDAC meeting ay ang pag-apruba ng sectoral representatives sa sektor ng LGU, youth at private sector, pagkakaroon ng common legislative agenda, pagbuo ng LEDAC executive committee at pagpapahusay ng procurement process sa gobyerno.
Itinakda ang susunod na LEDAC Meeting sa Setyembre 20.
By Rianne Briones / (with report from Aileen Taliping)