Patay ang nasa 28 katao habang sugatan naman ang nasa 15 indibidwal matapos mahulog sa bangin ang isang bus sa kanlurang bahagi ng Nepal.
Ayon kay Local Administrator Rom Bahadur Mahat, hindi pa matukoy kung ilan ang sakay ng naturang bus.
Isinugod naman sa ospital ang mga sugatan habang patuloy pang nagsasagawa ng searching operation ang mga awtoridad upang mahanap ang iba pang nawawalang mga pasahero matapos ang insidente. — sa panulat ni Angelica Doctolero