Tiniyak ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP kay Pangulong Rodrigo Duterte na malinaw nilang nilatag ang kaniyang direktiba sa mga miyembro ng CPP-NPA-NDF.
Ito ang inihayag ni OPAPP Secretary Jesus Dureza kasabay ng pagsisimulang muli ng informal talks sa pagitan ng pamahalaan at ng komunistang grupo.
Kahapon, kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na gumugulong nang muli ang serye ng back channel talks upang ipagpatuloy na muli ang peace talks sa pagitan ng dalawang panig
Bagama’t hindi tinukoy ni Roque ang partikular na lugar kung saan isinasagawa ang informal talks, kinumpirma nito na nasa Europa ngayon ang mga kinatawan ng pamahalaan sa pangunguna nila Secretary Dureza at Government Peace Panel Chief Silvestre Bello III.
Statement on the ongoing back channel talks with the CPP/NPA/NDF | 8 May 2018 pic.twitter.com/MdzzLfgmpJ
— OPAPP (@peacegovph) May 8, 2018
—-