Edad ang isa sa mga sinusukat ng mga tao pagdating sa pag-ibig dahil maaari itong makaapekto sa isang relasyon. Ngunit, isang Japanese man ang nadiskubre na sobrang laki pala ang agwat ng edad nila ng kaniyang bride isang araw bago sila mag-isang dibdib.
Kung ano ang buong kwento, alamin.
Sa isang Japanese-style bar na pinatatakbo ng 54-anyos na si Aki, nagkakilala sila ng 29-anyos na lalaki na si Yoshitaka.
Dahil sa mga maiikling pag-uusap, napagtanto ng dalawa na marami pala silang pagkakaparehas.
Si Yoshitaka at Aki ay parehong dumaan sa failed marriages at mag-isang pinapalaki ang kaniya-kaniyang mga anak.
At matapos ang ilang beses na pagbisita sa bar, niyaya na raw ni Yoshitaka si Aki na mag-date.
Noong mga panahon na iyon ay 54-anyos na si Aki ngunit sinabi kay Yoshitaka na siya ay 44-anyos lamang dahil sa pangamba na baka lumayo ito. Gayunpaman, hindi naman daw naghinala ang lalaki.
Nagawa namang itago ni aki ang kaniyang tunay na edad sa tulong ng kaniyang makinis na balat sa loob ng pitong taon.
Naisipan ng dalawa na magpakasal noong paparating pa lang ang COVID-19 pandemic noong simula ng 2020.
At dahil sa pag-aalala na may posibilidad na mahawaan sila nito, naisipan ni Aki na sabihin na ang kaniyang tunay na edad upang hindi na magdulot ng pagkalito sa mga doktor.
Nangamba raw si aki na baka labis ang galit na maramdaman ni Yoshitaka dahil sa mahabang panahon na pagsisinungaling niya rito. Ngunit, sa kaniyang pagkabigla ay malayong-malayo ang naging reaksyon ng lalaki.
Ang sagot ni Yoshitaka, hindi raw mahalaga kung ano pa ang edad ng babae. Bagkus, ang inalala raw niya ay sana nagsabi ito agad para hindi na nangamba at nag-alala pa.
Napagdesisyunan ng dalawa na i-document ang kanilang journey sa kanilang YouTube channel matapos ikasal at umalis sa kani-kanilang mga trabaho upang maglibot sa Japan.
Sinabi naman ni aki sa publication company na nag-feature sa kanilang mag-asawa na isa sa mga rason kung bakit niya itinago ang kaniyang tunay na edad ay dahil sa prejudice sa mga babae na nakikipag-date o nagpapakasal sa mga mas batang lalaki.
Dagdag niya pa, ang mga nakatatandang lalaki ay kayang-kaya na ipagmalaki kung gaano kaganda at kabata ang kanilang mga asawa, ngunit kabaliktaran naman ito para sa mga nakatatandan
Sa ngayon, 40-anyos na si Yoshitaka at 65-anyos naman si Aki at labing isang taon nang kasal at masaya na nagsasama ang dalawa.
Ikaw, anong masasabi mo sa nakaaantig na kwento na ito?