Patay ang dalawampu’t siyam (29) katao habang sugatan naman ang dalawampu’t siyam (29) pang katao makaraang masunog ang walong palapag na fitness center sa Jecheon, South Korea.
Ayon sa Jecheon Fire Department, karamihan sa mga biktima ay gumagamit ng ‘public bath’ sa ikalawa at ikatlong palapag nang maganap ang sunog.
Lubha anilang makapal ang usok na ibinuga ng apoy dahilan para hindi agad makalikas ang mga tao sa establisyimento.
Nabatid pa ng mga bumbero na maraming restaurant at leisure facilities tulad ng gym at ‘public bath’ sa loob ng nasabing gusali.
Kaugnay nito, posible pa anilang lumobo ang bilang ng mga nasawi habang patuloy ang search operations sa lugar.
—-