29 pang mga person under investigation (PUI) ang pinalabas na sa ospital matapos na mag negatibo sa coronavirus 2019 (COVID-19).
Ayon sa DOH, may kabuuang 509 na PUI na ang na – discharge sa mga ospital habang 98 PUI pa rin ang nanatili pa rin sa iba’t-ibang pagamutan.
Umaabot naman sa 610 ang pasyenteng sinuri dahil sa COVID-19.
Nanatili pa ring tatlo ang positibong kaso ng COVID-19 sa bansa na pawang mga Chinese nationals kung saan isa dito ang namatay.